Tuesday, March 26, 2013

Happy Thanksgiving :)


May mga bagay na sadyang pinapaisip sa'yo para mainis ka. Pero para maluwag sa pakiramdam, wag mo na lang isipin na iniinis ka. Instead, pagsubok lang 'to. Then...........


LET'S ENJOY THE MOMENT! :))


Salamat sa Dios sa lahat ng mga bagay. ;)

Tuesday, March 19, 2013

This made us feel better! ":))


WRONG STATEMENTS:
"Sana magawa ko 'to!"
"Hindi ko na kaya!"
"Suko na ko!"
"I'm so stressed! So pressured!"

RIGHT STATEMENT:
"Awa't tulong kaya ko 'to! Magagawa ko 'to kasama siya. Magbabago ako. I'll be a better person.."

Instead of thinking that there are maybe things that's impossible for you to do, why don't you start finding ways that will help you make it possible?..

All we need to do is to Trust Him! :)
~yohan


Saturday, March 16, 2013

My Observations to Real Life Experiences


“Minsan sa buhay, hindi talaga maiiwasang makasalamuha ng mga taong dapat unawain at mga bagay na dapat na intindihin. Ngunit sa kabila na ginagawa mo na ang lahat para sa kanilang kapakanan, sama ng loob pa ang kadalasang isinusukli nila. Isang hindi kaaya-ayang ganti na nangangailangan ng matindi-tinding pag-iintindi.”

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

“May mga pagkakataon na kung kalian ka nagkukusa, doon ka pa napagkakamalian. Although in the first place, maganda ang intensyon mo and it’s for the sake of others. ‘Yung iba, mararamdaman mong wala sa loob ang pag payag nila. Ang labas, binibigyan ka nila ng alinlangan para hindi mo magawa ang iyong mabuting hangarin. Magkagayon pa man, iisipin mo pa rin ang mabuti sa kanila kahit anong masasamang gawa pa ang iparamdam nila sa’yo..”

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

“Alam mo na nga sa sarili mong masama ka, magpapakasama ka pa bang lubha? Ang paggising sa umaga’y nagbibigay sa atin ng pagkakataon upang tayo ay magbago. Imbis na dyan ka bumabase ng pagkilos mo, try mo kayang gumawa ng mga bagay na makatutulong para maimprove ‘yung good side mo. Let us just always put this saying to our mind, “Everyday is a learning process.”  And also, have a Self Discipline.”

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

“Minsan nais mo ring iparamdam sa kanila ‘yung mga masasakit na bagay na ginawa nila sa’yo, para naman alam nila ‘yung pakiramdam kung gaano kasayang masaktan. Pero dahil natuto ka ng mga aral ng Dios, magpapadaya ka na lang dahil sadyang hindi talaga natin maiiwasang masaktan. Katulad nga ng sinabi ni Kuya Daniel Razon, “Pain is a sign of Life..”.”